Lihim
Arthur Miguel
Humawak ka sakin
Sundan aking himig
Wag ng magtago
'Di naman magbabago
'Di kailangang sabihin
Walang dapat gawin
O, aking bituin
Ikaw ang hiling
Wag mong pigilan hayaan mong kusa
Humawak ka sakin, sundin ang damdamin
O, sumama ka sakin
At tayo ay
Sasayaw sa kulog at ulan
Iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw
Pakinggan ang puso, wag nang bibitaw
Wag ng magtagutaguan
Kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin
Kailan aaminin?
Ang ihip ng hangin
Dinadala ka sakin
Parang nakaplano
Pero di sigurado
Nakaw mong tingin
Sayo lang hihimbing
Ikaw at ako ang na sa likod ng mga ulap
Wag mong pigilan hayaan mong kusa
Humawak ka sakin, sundin ang damdamin
O, sumama ka sakin
At tayo ay
Sasayaw sa kulog at ulan
Iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw
Pakinggan ang puso, wag lang bibitaw
Wag ng magtagutaguan
Kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin
Kailan aaminin?
Wag mong pigilan hayaan mong kusa
Humawak ka sakin, sundin ang damdamin
Sumama ka sakin
At tayo ay
Sasayaw sa kulog at ulan
Iikutin ang tala at buwan
Habang tayo ay naliligaw
Pakinggan ang puso, wag lang bibitaw
Wag ng magtagutaguan
Kita naman sa liwanag ng buwan
Ang lihim na pagtingin
Kailan aaminin?
(Kailan sasabihin?)
(Kailan aaminin?)
(Kailan sasabihin)
Kailan aaminin?
Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Arthur Miguel e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: